Story cover for Your Dearest Karma by Knight_prinzessa15
Your Dearest Karma
  • WpView
    Reads 121
  • WpVote
    Votes 5
  • WpPart
    Parts 8
  • WpHistory
    Time 48m
  • WpView
    Reads 121
  • WpVote
    Votes 5
  • WpPart
    Parts 8
  • WpHistory
    Time 48m
Ongoing, First published Jan 01, 2020
Aica Creznaya Valdez, isang dalaga na naulila limang taon na ang nakakaraan nang dahil sa hindi inaasahang pangyayari at hindi malamang dahilan. Nais nyang matuklasan ang misteryo sa pagkawala ng kanyang mga magulang at mangyayari lamang iyon kung gagawin nya ang misyon na ibinigay sa kanya ng Royalties's King, ang iharap sa palasyo ang isa sa taksil na dating miyembro ng grupo, si Ezekiel Villa Ramoz, pero natitiyak nya na magiging mailap ito kaya naman gumawa sya ng plano.

Handa na syang lumaban at makipagbakbakan, dinala sya ng misyon sa isang simpleng bahay pero masasabing may kaya ang naninirahan, kukunin nya ang loob ng binata upang mapadali ang pagdala nito sa plasyo pero sa pagpasok nya sa bahay nito bilang isang katulong ay hindi nya inaasahan ang nadatnan, isang gwapong binata, maganda ang pangangatawan, mabait at BULAG! Paano nya naman gagawan ng masama ang isang inosenteng bulag?

Paano nya ito dadalhin sa palasyo kung nakapagbitiw sya dito ng pangako na hindi nya ito pababayaan? Ano kaya ang gagawin nya para mapanghawakan ang pangako nya gayong mukhang makikigulo pa si Justin Razen El Fuenco, isa sa prinsipe ng Royalties at naging kuya nya sa loob ng limang taon? At maipaglaban nya kaya ang namumuong damdamin nya para kay Ezekiel oras na isa-isa nang bumukas ang katotohanan sa pagkawala ng kanyang magulang?

Sino ang pagkakatiwalaan nya? Sino ang sasandalan? At ano ang dapat na gawin?

------------------------------------------------------------

-*-
Ang kwentong ito ay inaasahang matapos bago mag May 13, 2020 kaya hinihingi ko po ang inyong pagsubaybay at buong pusong pagsuporta. (Kasali po kasi ito sa contest) Hihingin ko rin po sana ang Votes ninyo at hihintayin ang inyong mga komento para sa akda, maraming salamat!
-*-

PLdAGIARIZING IS A CRIME
ALL RIGHTS RESERVE
TO THE AUTHOR:
Knight_prinzessa15
©️January 2019
All Rights Reserved
Sign up to add Your Dearest Karma to your library and receive updates
or
#20sweetest
Content Guidelines
You may also like
TWINS FROM STRANGER by EtherealPenchants
8 parts Complete
Bakit kailangang mangyari lahat ng kamiserablehan na ito sa buhay ko? Kaylan ba ako gigising sa isang umaga na hindi iniisip ang mga masasamang mangyayari sa araw na iyon? Bakit kailangan kong mabuhay sa impyernong mundong ito at tanggapin lahat ng pasakit na kahit kaylan ay hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari sa akin? Yan ang nga tanong na nais masagot ni Alyanna Kaye Desamero habang nasa kasuluksulukan ng kadiliman ng mundo niya. Simula nang magmulat siya sa mundong ito, hindi niya kaylan man natamasa ang pagmamahal at kalinga ng isang magulang sa anak. Hindi niya naranasang maging masaya at magkaroon ng masayang pamilya. Ano bang kailangan niyang gawin para makamit lahat ng iyon? Madilim ang paligid ngunit nararamdaman niya ang init na kumakalat sa buong sistema niya. Ang init ng haplos ng isang hindi kilalang lalaki ang tanging nagbibigay sa kanya ng katiyakan na ligtas siya sa mga braso nito at walang may maaaring makapanakit sa kaniya. Ano nalang ang gagawin niya nang isang araw, nagising siyang may dalawang buhay sa sinapupunan niya mula sa isang estranghero. Paano niya bubuhayin ang nga ito kung kahit ang sarili niya ay hindi niya magawang pakainin ng tatlong beses sa isang araw? Makakaya kaya niyang buhayin ang dalawang anghel na tanging nagbibigay sa kanya ng lakas upang ipagpatuloy ang kaniyang buhay na puno ng kamiserablehan? -------------------- Language: Taglish Genre: Romance Started: February 17, 2024 Finished: March 24, 2024 © EtherealPenchants © All Rights Reserved
ESTRANGHERO by Njea_Fornaliza_027
17 parts Ongoing Mature
Pinili ni Talia na manirahan sa maynila at kalimutan ang lugar na kinalakihan. Sa probinsya ng kanyang mga magulang pati ng pinakamamahal niyang lola. Marami mang magagandang bagay at ala-ala na dahilan para manatili siya ay lamang parin ang lungkot at nakuha niyang sakit sa puso na dahilan ng tuluyan niyang paglisan sa lugar na yun. Mga alaala sa mahal niyang mga magulang pati narin sa lola niya na namayapa na. Ngunit sa paglipas ng maraming taon, nagpasya si Talia na bumalik muli sa lugar na pinili na niya sanang kalimutan ng malaman nito ang nangyari kay Celia, hindi niya tunay na kapatid. Anak ito ng pangalawang asawa ng kanyang ina. Subalit hindi man tunay na kadugo ay labis ang pagmamahal niya para sa kinikilalang kapatid. Agad-agad siyang umuwi ng malaman na naaksidente ito. Pero ganun nalang ang inis niya ng malamang hindi totoo ang aksidenteng nangyari sa pilyang kapatid, palabas lang pala nito yun. Nagalit siya dito dahil hindi magandang biro ang balitang nakarating sa kanya at dahil doon, nagpasya siyang bumalik na sana ng maynila pero dahil sa hindi niya ito matiis. Ayaw man niya, nagpasya siyang manatili nalang muna doon kahit na mga isang linggo dahil narin sa pamimilit nito lalo pa't darating narin ang nalalapit na kaarawan nito. Subalit sa pagbabalik at sa pananatili niya, unti-unti niyang malalaman na ang dating payapa na lugar na kinalakihan ay mayroon palang nakakakilabot na nagaganap sa kasalukuyan. Kasabay nun, makikilala niya ang isang misteryusong lalaki na laging nagpapakita at siyang makapagbibigay ng kakaibang takot sa kaniya. Kasabay ng pagkakatagpo ng landas nila ng lalaki malalaman niya ang katutuhanan tungkol sa totoong dahilan ng pagbabalik niya sa lugar na yun na makakapagpabago ng paniniwala at tiwala niya sa mga taong nakapaligid sa kanya. I'm not professional author, writen is just a hobby that i really enjoy! Votes and comment are highly appreciated. Dont forget to click the follow button. Thank you!✨💕
God Gave Me You✔💯 by mahikaniayana
20 parts Complete
Si Moises ay isang masayahing tao Mapagbigay pero maloko Sa mga kaibigan tapat sya at totoo Pagdating sa kalokohan numero uno ito.. Sa edad nyang bente banat na banat na sya sa trabaho Palabarkada man sya at basagulero May dignidad naman at may prinsipyo Maraming kababaehan ang nahuhumaling dito Pero ni isa sa mga ito, ay wala man lang nakapasok sa pihikan nitong puso. Hanggang sa nakilala nya si Edna Isang dalagang suplada na isnabera pa Lahat ng diskarte kanyang ginawa mapansin lang sya Pero tila isa lang syang langaw na palaging tinataboy ng dalaga.. Sa ugaling pinapakita sa kanya ni Edna Kahit minsan di sumuko si Moises kahit nahihirapan na sya Ang kanyang minimithi sa buhay ay ang makapiling ang masungit na dalaga Kaya gagawin nyang lahat ng kanyang makakaya Dahil naniniwala syang si Edna ang ibinigay ng Panginoon para sa kanya Na silang dalawa ang nakatadhana sa isa't isa. Magtagumpay kaya si Moises sa larangan ng pag ibig? Si Edna na ba ang bigay ng Diyos para sa kanya? Anong kalalabasan ng kanilang storya? Happy ending kaya o kabiguan ang makakamit ni Moises sa magandang dilag na pinapangarap nyang makasama, magmula pa ng panain ni kupido ang puso nya. ♥🖤 "Hindi ako ang buwan na iiwan ka pagdating ng araw.. Hindi din ako ang araw na iiwan ka pagsapit ng dilim.. Hindi din naman ang mga tala na lilinlang sa iyong paningin.. Ako ang magiging lahat ng ulap na yayakap sa mundo mo, maliwanag man o madilim." - MOISES - ♥🖤 True to life Love Story of 🖤Moises & Edna ♥ Keep track of the love they fought for, just to be with each other ... ° ° ° For Eternity & Beyond... 💃MahikaNiAyana
Does Love Always Hurt? by Heavenlyza
19 parts Ongoing Mature
Kezaia Ysavielle Clementine. Kapag narinig mo ang pangalang ito kailangan mo nang tumakbo. Well, kilala lang naman siya dahil sa pagiging balagbag niyang babae. Sobrang ingay, maraming ginawang katarantaduhan, at higit sa lahat, maraming kaaway. Halos lahat ng nakikilala niya ay nagtatanong kung bakit siya umaakto ng ganito. Lahat naman tayong mga tao ay may pagkakaiba. Mayroon siyang natural beauty with her deep dimples na sa tuwing ngumigiti siya ay nag papakita. Wala sa bokabularyo niya ang kabaliktaran ng personalidad niya. And everything was fine for her. But no one knows about what she's suffering. Adam Mazikeen Salvatore. Her weakness. He's charming and soft boy, pogi, at higit sa lahat, matalino. Lahat ng hinahanap mo sa lalaki ay makikita sa kanya. He's calm at iyon ang nagustuhan ni Kezaia sa kaniya. Ang lalaking pakiramdam niya ay mahahandle siya nang mabuti. Bago lang sa kanya ang lahat ng nararamdaman niya kaya hindi niya matukoy kung ano ba talaga, mahal niya ba or gusto niya lang itong makasama dahil pakiramdam niya ay ligtas siya sa piling nito. Pero puwede kaya iyon? Mag kaiba sila ng personality, hindi kaya sila mahihirapan sa isa't isa? Kaya mo bang baguhin ang sarili mo para sa isang lalaking sa tingin mo ay mamahalin at aalagaan ka? At iyan ang bagay na mahirap gawin para kay Kezaia. A lot of questions are bugging her; paano kung makahanap siya ng babaeng kasing personality niya? Iyong tipong tahimik at matalino rin, at masasabayan siya sa mga gusto niya. Hindi katulad ni Kezaia, Kabaliktaran niya. And when she's almost at the peak, when she felt that she's almost there, changing herself, napagtanto niyang unti unti na palang nabibigyan ng kasagutan ang kaniyang mga katanungan. Ito ba ang pag-ibig na sinasabi nila? The real question now is.. does love always hurt? Maraming rebelasyon at pagkabunyag ang nag hihintay sa 'yo, Reader!
Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed) by ShilvaGray
82 parts Complete
Isa Lamang Ordinaryong Dalagita Si Heavenia na mataas ang Pride,Matalino, Shunga, Maharot, Marupok,Pulubi Este Mahirap na nakapag-aral sa Isang mamahaling Eskwelahan sa bansang Bitterland. Hindi nya lubos maisip kung bakit ito ang ipinangalan sa Bansang kinatatayuan at kinatitirikan ng mga bahay at kanyang mga paa ngayon, inisip nya tuloy na sawi sa pag-ibig ang nagtakda ng pangalan ng Kanilang Bansa. Sa paaralang pinapasukan nya ay duon nag-aaral ang mga mayayamang nilalang Kabilang na ang mga anak ng Royal at Noble Family, Hindi naman sya nahihirapang makibagay dito Dahil Hindi naman sya fangirls ng mga Putakteng Dugong Bughaw na mga Yun. Wala ding tatalo sa Attitude nya Dahil sumobra pa raw ito sa 100% at nag overload na ang Attitude nito kung kaya kahit Ang Mayayaman at Makapangyarihang Tao sa Eskwelahan nya ay Hindi nya inuurungan maging ang nakatakdang Susunod na Hari ng Bitterland ay Hindi nya inurungan. Puno ng Pahirap at Pasakit ang tinatamasa nya Dahil sa pagkakautang ng kanyang pamilya yung tipong maiiyak na lang sya sa tuwa pag nabigyan sya Benteng Baon Dahil maging sya din ay lubog na sa pagkakautang sa Dalawa nyang Bestfriend na mga Anak ng Duke. Ngunit Isang Kasunduan ang magpapagulo sa buhay at Literal na Magpapabago sa takbo ng kanyang buhay, Kasunduang nuong una ay inakala nyang malaking Prank lamang ng lokong Lolo na naka usap nya sa Plaza. Subaybayan natin ang kanyang Kagagahan,Katangahan,Kabobohan,Kapalpakan at higit sa lahat sa buhay nyang punong puno ng Kalandian Este Kakambingan Este Ulit Kalambingan at Kabaitan. Ang Nag-iisang Heavenia kripot.
The Heart Remembers by nomiwell
19 parts Ongoing
Isang Nobelang Kasaysayan, Pag-ibig, at Paglalakbay sa Panahon Sa pagitan ng mga lumang aklat at alikabok ng isang silid-aklatan sa Intramuros, natagpuan ni Maya Dela Cruz isang 3rd year history student sa Pamantasan ng lungsod ng maynila. Ang isang bagay na matagal nang nilimot ng panahon - isang antigong locket na tila may sariling pintig. Hindi niya alam kung bakit tila hinihila siya ng kwento ng isang babae na burado sa mga tala ng kasaysayan , isang babaeng nilimot ng nakaraan- si Leonora Alonzo. At sa isang iglap ng liwanag at dilim, si Maya ay nahulog sa panahong hindi kanya...sa taong 1896. Dito sa bayang alipin ng dayuhan, sa mga lansangang puno ng lihim, at sa piling ng mga matang hindi niya kilala pero tila matagal nang naghihintay - kailangan niyang mabuhay sa katauhan ng isang babaeng may sariling misyon. Misyon ng puso at Misyon para sa bayan. Magagawa niya kayang maging si leonora? O kaya ay ipapaglaban niya ang kaniyang paniniwala? At paninindigan patungkol sa mga kababaihan? Mababago kaya ni maya ang baluktot na paniniwala? Ngunit sa bawat pintig ng puso at paghakbang sa nakaraan, lalong lumalabo ang hangganan ng katotohanan, panaginip, at kapalaran. Sino si Leonora? Bakit siya dinala ng locket sa panahong ito? At paano kung ang kasaysayang kanyang kinagigiliwan... ay hindi na niya kayang takasan? Isang nobelang sumasalamin sa alaala, paninindigan, at pagibig kung may pagkakataong mahalin muli sa ibang panahon... pipiliin mo ba? Mawawala sa alaala ang anyo ng mga bagay sa pisikal na mundo-maglalaho gaya ng alon sa dalampasigan kapag nilamon ng dagat ang kanyang bakas. Ngunit ang puso... ang puso ang magbubukas ng lihim na pintuan, magtatawid sa atin pabalik sa mga alaala. At doon, sa tahimik na sulok ng gunita, muling lilitaw ang mukha ng taong minsang naging tibok ng ating buhay.- Maya Dela Cruz
📖 BOOK 5: RAYS OF HOPE ✨🌻 by morpheusysabel132125
32 parts Complete
Si Hoseok, ang tinaguriang "sunshine" ng BTS, ay laging nakikita ng mundo bilang masayahin, puno ng sigla, at liwanag. Ngunit sa likod ng matamis na ngiti ay may mga bigat na hindi madaling dalhin-pressure bilang idol, pagod na hindi maipakita, at takot na baka isang araw ay mawala ang kanyang kislap. Dumating si Mia, isang simpleng street photographer na may kakaibang mata para sa ganda ng mundo. Para sa kanya, hindi kailangan ng ilaw o engrandeng eksena para makita ang totoong emosyon-dahil sa isang simpleng kuha, nahuhuli niya ang raw beauty of life. Mula sa mga simpleng lakad sa café na puno ng sunflowers hanggang sa mga mahahalagang alaala sa ilalim ng mga bituin, natutunan nilang hindi lang litrato ang nakakakulong ng isang sandali-pati puso ay kayang mag-ingat ng mga alaala ng saya, sakit, at pagmamahal. Ngunit nang kumalat ang litrato nila online, si Mia ay naging biktima ng matinding batikos, at kinailangan nilang harapin ang unos nang magkasama. 👉 "Please don't misunderstand. She's someone precious to me." - Hoseok Sa kabila ng luha at pagsubok, pinili nilang ipaglaban ang isa't isa. At sa huli, sa gitna ng isang engrandeng concert, lumabas ang mga kuha ni Mia-hindi ng isang idol o superstar, kundi ng isang simpleng taong masaya, totoo, at puno ng pag-asa. 🌻✨ Rays of Hope ay isang kwento ng pag-ibig at pag-asa-na nagtuturo na ang tunay na liwanag ay hindi lamang matatagpuan sa spotlight, kundi sa taong handang manatili at magmahal sa kabila ng lahat.
You may also like
Slide 1 of 10
TWINS FROM STRANGER cover
Flames Of Love  cover
Maid To Be His (Under Revision) cover
ESTRANGHERO cover
God Gave Me You✔💯 cover
LAAN SA IYO - Isinulat ni Astrild Lee Littérateur cover
Does Love Always Hurt? cover
Arrange Marriage With The Crown Prince (Completed) cover
The Heart Remembers cover
📖 BOOK 5: RAYS OF HOPE ✨🌻 cover

TWINS FROM STRANGER

8 parts Complete

Bakit kailangang mangyari lahat ng kamiserablehan na ito sa buhay ko? Kaylan ba ako gigising sa isang umaga na hindi iniisip ang mga masasamang mangyayari sa araw na iyon? Bakit kailangan kong mabuhay sa impyernong mundong ito at tanggapin lahat ng pasakit na kahit kaylan ay hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari sa akin? Yan ang nga tanong na nais masagot ni Alyanna Kaye Desamero habang nasa kasuluksulukan ng kadiliman ng mundo niya. Simula nang magmulat siya sa mundong ito, hindi niya kaylan man natamasa ang pagmamahal at kalinga ng isang magulang sa anak. Hindi niya naranasang maging masaya at magkaroon ng masayang pamilya. Ano bang kailangan niyang gawin para makamit lahat ng iyon? Madilim ang paligid ngunit nararamdaman niya ang init na kumakalat sa buong sistema niya. Ang init ng haplos ng isang hindi kilalang lalaki ang tanging nagbibigay sa kanya ng katiyakan na ligtas siya sa mga braso nito at walang may maaaring makapanakit sa kaniya. Ano nalang ang gagawin niya nang isang araw, nagising siyang may dalawang buhay sa sinapupunan niya mula sa isang estranghero. Paano niya bubuhayin ang nga ito kung kahit ang sarili niya ay hindi niya magawang pakainin ng tatlong beses sa isang araw? Makakaya kaya niyang buhayin ang dalawang anghel na tanging nagbibigay sa kanya ng lakas upang ipagpatuloy ang kaniyang buhay na puno ng kamiserablehan? -------------------- Language: Taglish Genre: Romance Started: February 17, 2024 Finished: March 24, 2024 © EtherealPenchants © All Rights Reserved