Ako si Penelope Park. Hindi naman ako koreana kaya hindi ko rin alam kung bakit Park ang apelyido ko. Kung sabagay, si Rizal nga ay hindi naman koreano pero may Rizal Park pa rin. Okay last na joke na 'to dahil uwian na! Pero what if isang araw, bago ang Christmas Vacation ay nagkayayaan kami ng mga kaklase kong tumambay sa Rizal Park para doon gawin ang history project namin na sa kamalas-malasan ay ang Joseon Era pa ang na-assign sa akin. At paano kung sa hindi inaasahang araw na iyon, sa pagitan ng malakas na pagbuhos ng ulan at matinding sikat ng araw ay aksidenteng nahulog ako sa mapa ng pilipinas sa Rizal Park? At pag-ahon ko ay huwatdapak? Nasa Joseon Era na ako? Natagpuan ko ang sarili kong umaahon sa Han River na nakita ko lang sa librong hiniram ko sa library. Putragis na iyan! At sino itong gwapo at yumming lalaking naka-hanbok ( traditional korean dress) na bigla na lang akong tinangay at nagpakilalang siya daw si Rizal Park at sinasabing pumapayag na raw siyang pakasalan ako sa darating na tag-sibol? Tagalog ang lengguahe niya pero ipupusta ko talaga ang bente pesos ko sa bulsa na hindi siya ang pambansang bayani nating si Rizal dahil kahit na yummy at gwapo siya, ubod naman siya ng antipatiko at sobrang sungit at lalong-lalong hindi siya rebulto dahil buhay na buhay siya habang nakasinghal na naman sa akin ngayon. Pero wait, wait, wait? Eh ano kung siya si Rizal Park? Anong kasal-kasal ba ang sinasabi niya at anong panahon na nga ba ito? Putragis na iyan, ang gulo!