Talia Kalani Noong bata pa si Talia ay may kaibigan siya na laging bumibisita sa lugar nila tuwing tag-ulan, ngunit bigla nalang hindi ito umuwi isang araw. Paglipas ng taon ay gustong hanapin ni Talia ang kaniyang kababata. Nang magtanong siya sa mga kaibigan at kapamilya tungkol sa pagkatao nito ay walang nakakatanda kung sino iyon. Ang tanging alam lang ni Talia ay ang kaniyang palayaw. Ar.