[VERY SLOW UPDATE] Meet Kylan "Lan" Guevarra. Isang weird highschool girl na may diary. At tulad ng ibang teenagers, may crush din siya.
Ang kanyang crush?
Si Vincent de la Vega. Ang lalaking oh-so-handsome at laging naka-killer smile. Si Vincent din ang laging laman ng kanyang diary. At ang puso at isip DAW ni Lan.
Pero, hindi naman napapansin ni Vincent si Lan. Oh no! Ang dami rin nagkaka-crush kay Vincent. Oh no no! Worst, may nililigawan na si Vincent! Oh no no no!
Ano kaya ang gagawin ni Lan, kasama ang kanyang mga awesome friends?
Subaybayan natin ang nakakaloka at nakakakilig DAW na adventures at misadventures ni Lan at Vincent-este ni Lan lang pala.