Hi dear readers! This is my first ever story that I made(actually nakagawa na ko pero ito lang yung inayos ko.hehe.). So yun. :)) Nga pala, please leave your comments para naman maimprove ko yung story or suggestions. Salamat guys! I hope that you'll like it. God bless us. :)) Ang pagsasamantala sa kahinaan ng iba ay matagal nang sakit ng lipunan. Kung minsan nga, ang mga taong kapos sa karangyaan ang nagiging biktima ng kalupitan at pagmamalabis ng mga makapangyarihan dahil batid nila na ang hawak na tungkulin o kayamanan ay isang pribilehiyo upang manakit ng kapwa. Sadyang sawing-palad ang mga taong mahihina. Kaya sa taong punong-puno ng hinanakit at pagdurusa, masasabing hindi maganda ang daigdig para sa kanya. Subalit hindi dapat doon matatapos ang lahat. Dapat bigyang puwang at pagkakataon ang pag-asa para makita ang kahiwagaan ng buhay. Dapat makita ninuman ang ganda ng buhay para masilayan ang ganda ng daigdig. Sinuman ang naghahangad na mapabuti ang kalagayan ng buhay lalo na yaong nakadarama ng kahirapan at kakapusan sa buhay. Pangarap ng lahat na maging maligaya sa buhay, ito ang batayan ng tagumpay ng bida sa kwentong ito. Tara,ating alamin.