Story cover for Sana bukas...(GxG Story-On Going) by bluemont92
Sana bukas...(GxG Story-On Going)
  • WpView
    Reads 2,056
  • WpVote
    Votes 237
  • WpPart
    Parts 13
  • WpView
    Reads 2,056
  • WpVote
    Votes 237
  • WpPart
    Parts 13
Ongoing, First published Jan 05, 2020
Mature
Ako sana iyon.

Iyong taong nagpapangiti at nagpapatawa sa kanya ngayon. Iyong dahilan bakit nagniningning ang kanyang mga mata.

Ako sana iyon.

Ang kasama niya sa pagsalubong ng bawat umaga at kasiping sa gabing madilim. Ang kanyang kahawak kamay habang nagkukwentuhan o nagbabasa ng libro.

Ngunit hindi.

Kailanman ay hindi magiging ako ang dahilan. Tanggap ko naman, matagal na.

Subalit bakit kaysakit pa din sa tuwing ako'y kanyang tititigan, ngingiti siya sa akin ng napakatamis at sasambitin ang aking pangalan.

Darating ba ang panahon na ako naman ang kanyang hahanapin?

Bukas makalawa ba ay ang pangalan ko naman ang kanyang babanggitin?

Mananatili ba ako sa tabi niya o pipiliin kong mamatay para sa kanya?

Sana bukas, ako naman ang lumigaya.
All Rights Reserved
Sign up to add Sana bukas...(GxG Story-On Going) to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
Don't Cry Louie by johnyuan38
19 parts Complete
Ipinanganak akong straight na lalaki. Oo, sigurado ako do'n. Walang duda. Bagamat ang tiyuhin ko na isang bading ang nag-aruga sa akin mula pagkabata ay hindi naman nito naimpluwensyahan ang aking pagkasino. Sabi kasi ng karamihan, kapag ang isang lalaki ay napapaligiran ng mga bading, magiging kauri na din nila ito. Tangna, sana naman hindi. Sa edad kong labinwalo, at sa guwapo kong ito. Maniwala ka man o hindi, dalawa lang ang naging girlfriend ko ngunit mipagmamalaki kong lahat iyon ay seryosohan. Hindi kasi ako mapaglaro. Ang pag-ibig ay hindi libangan o pampalipas oras lang, iyan ang turo sa akin ng tito kong bading na si YOWHAN o mas kilalang bilang si Daddy Yo. Ewan ko ba, seryoso naman ako pagdating sa usaping pag-ibig. Lahat ibinibigay ko kahit na ubos na ang aking allowance. Hindi. Lahat binibigay kong pagmamahal, pag-aaruga at pagmamalasakit subalit bakit tila yata hindi parin iyon sapat sa kanila. Bakit lagi nila akong iniiwan. Bakit nila ako ipinagpalit sa iba? Pambihira. Dahil sa sunud-sunod na kabiguan, naglie-low muna ako sa pakikipag-girlfriend. Nagfocus na muna ako sa aking pag-aaral at pagwoworking student. Subalit kung kailan naging maayos na muli ang takbo ng buhay ko, ay siya namang pagsulpot ni LOUIE sa buhay ko. Katorse anyos na batang lalaki....at patay na patay sa akin? Whoooh..hanep..Akalain mo? Saan ako dadalhin ng pag-ibig ni Louie? Magawa ko kayang tumbasan ang pag-ibig na iniaalay niya? Gayung alam kong lalaki kaming pareho.
You may also like
Slide 1 of 10
Uncontrolled Love❤ cover
Akin Ka Na Lang Please!!! (Ezadera Series) Completed cover
Cross My Heart (boyxboy) cover
Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 1] cover
A Love to Last a Lifetime cover
Sana Ako Na Lang  cover
I Love You Inday (COMPLETE) cover
Mr.She (Romantic-Comedy GxG) cover
"My Amazona" (COMPLETED) cover
Don't Cry Louie cover

Uncontrolled Love❤

47 parts Complete

"Oo masakit, pero kailangan kong tanggapin" sabi nito habang pinipigilan niyang tumulo ang mga luhang namumuo sakanyang mga mata. "Kailangan kong tanggapin na kahit kailan alam kong wala akong space diyan sa puso mo." "Sinubukan kong pigilan, sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa ibang tao pero wala talaga, ikaw parin talaga ang laman nito." Pahabol na sabi nito. Dahan dahan naman akong lumapit sakanya hanggang sa halos isang daliri nalang ang pagitan namin. Iniangat ko ang mukha niyang kanina pa nakatingin sa baba. Nang magtama ang paningin naming dalawa ay hindi na nito napigilan pang pigilan ang pagpatak ng mga luhang kanina pa gustong pumatak. "Hindi mo na kailangan ng space sa puso ko, dahil sayong sayo na ako. Matagal mo nang nakuha ang puso ko at ang mga labi ko" dahan dahan ko din naman inilapit ang mga labi ko sa labi niya. ~~~~•~~~~•~~~~•~~~~•~~~~•~~~~ Warning! Warning! Warning! "Ang mga mababasa niyo sa mga susunod na pahina ay maaring hindi angkop sa mga edad 18 pababa, ito ay naglalaman ng maseselan, at hindi kanaisnais na lengwahe. Ang istoryang ito ay BXB kaya kung hindi mo trip wag mo basahin." Another Warning: This story is still unedited so read at your own risk. Please Support! Vote! And Comment! Thank you.