Ang mga tulang sumusunod ay isinulat nang may buong damdamin at nagmula mismo sa kaibuturan ng aking puso.
Ipagpaumanhin kung mayroon mang pagkakamaling tanda ng aking pagiging nilalang na hindi perpekto.
Mga salitang di mabigkas
Kaya pilit na tumatakas
Mga salitang di masabi
Tinatago nalang sa paghikbi
Mga salitang di magawa
Aking idadaan sa tula
Bunga ng pagmamahal at pag-iwan nila
Lahat ng ito'y aking nailathala
[Poetry]