Umalingawngaw sa katahimikan ng gabi ang tunog ng pagkabasag ng mamahaling vase sa sala, dahilan upang magsitayuan ang mga balahibo ni Immannuel. 'Our Father in heaven, hallowed be your name...' Lumangitngit ang mga ngipin ng pintong yari sa kahoy matapos itong marahang itulak ng pigura. Kasunod niyon ang mabibigat na mga yabag nito patungo sa direksyong pinagtataguan ng lalaking yakap yakap ang sarili dala ng matinding takot. 'Your kingdom come, your will be done, on earth as it is in heaven...' Palapit ng palapit ang mga ito. Narinig pa niya ang pagliko ng mga ito pakanan kasabay ang paggawa ng malalaking hakbang. 'Give us this day our daily bread, and forgive us our debts, as we also have forgiven our debtors...' Dahan dahang pumihit ang hawakan ng pinto. Naging mitsa ito upang bumilis ang pagtibok ng puso ng binata at ang unti-unting paghirap ng kaniyang paghinga. Bawat segundo'y tila isang pahirap nang sandaling magbukas ang bagay na nagbibigay sa dibisyon sa binata at sa kakaibang nilalang na pilit niyang iniiwasan. Kumalma ang paligid kung kaya't pandandaliang nakaramdam ng kapayapaan si Immanuel. Ngunit lubos na lamang ang pagkagitla niya nang makaramdam siya ng malamig na hininga sa ibabaw ng kaniyang tainga "Tulungan mo ako. Pinatay nila ako at kailangan 'ko ng hustisya. Ikaw lang ang daan para maisakatuparan 'to." 'And lead us not into temptation, but deliver us from evil. Amen.' "Tulungan mo ako. Maawa ka..." Magkakasabay na para bang sumasayaw sa iisang tugtugin ang mga kagamitan ng bahay. Sumarado nang napakalakas ang pinto, tumilapon ang iba't-ibang uri ng mga kagamitan at humambalos ang bawat bintanang nasa paligid kaya't nagkalat ang saganang bubog sa kahoy na sahig. Umugow pa ang langit, na siyang sinundan naman ng pagbuhos ng ulan. At doon, sa gitna ng madilim na kuwarto, nakahimlay ang katawan ng walang malay na lalaki.All Rights Reserved