Si Estrie, siya ang babaeng gagawin ang lahat makuha lamang ang gusto. Kaya naman kahit naging labag sa kaniyang puso nang alukin siya ng scholarship ng ina ni Jonathan---ang kaniyang ultimate crush na playboy---kapalit nang pagiging instant kontrabida sa lovelife ng binata ay tinanggap niya ito. Noong una ay natutuwa pa siya ngunit unti-unti niyang na-realize sa kaniyang sarili na hindi na pala niya sinusunod ang kasunduan nila ng ina ng binata. Sa halip ay tuluyan ng nahulog ang damdamin niya sa binata at siya na mismo ang gumawa ng paraan upang sa huli ay mahalin din siya nito. Kaya naman natuwa siya nang sa paglipas ng tatlong taon, nagbunga ang pagmamahal niya para kay Jonathan. Ngunit sa halip na may forever, isang katotohanan ang hindi niya napaghandaan. Ito ba ang kabayaran ng kaniyang pagiging makasarili?