Isa sa pinaka masayang parte ng buhay natin ang mag-mahal at mahalin. Ang sarap sa feeling yung alam mong may nag aalaga sayo. Naituturing mo siyang bestfriend, nanay, kapatid, etc. Dito mo din mararanasan lahat ng korning bagay para lang sa minamahal mo. Yung tipong, halos lahat eh kaya mong gawin para sa kanya. Kahit pa magmukha pa tayong tanga, diba? Lalaki ako. Hindi common sa lalaki yun mag kwento tungkol sa buhay-buhay, lalo na pag kwentong pag-ibig. Pero open kong ma-ikukwento kung gaano kasaya at kasakit nung na in-love ako sa babaeng hanggang ngayon, nandito parin sa puso ko.
Naranasan mo na bang ma-inlove sa taong in-love din ang best friend mo? 'Yong tipong magpaparaya ka para lang sa kanila? 'Yong tipong aakuin at papasanin mo lahat ng sakit para lang sumaya ang mga taong mahal mo? Basahin mo 'to kung nakakarelate ka.
Enjoy!ت