30 parts Complete MatureSa mundo ng pananampalataya at sakripisyo, minsang masakit na tanongin: Hanggang saan ka dadalhin ng panalangin, kung ang puso mo'y umaasa sa isang taong may hinihintay palang iba?
Si Adelaide Victoria Gonzales isang babaeng buong pusong iniaalay ang buhay sa Diyos, ay tahimik na nagtatago ng damdamin para sa matagal na niyang kaibigan na si Lucas. Sa kanilang pagkakaibigan, halong ngiti, biro, at mga kantang binubuo sa loob ng simbahan, dahan-dahan ding lumalalim ang sugat na dulot ng pag-ibig na hindi niya maangkin.
Si Lucas Maximilian Rykard, sa kabila ng pagpaparamdam ng init at lambing, ay nakatali pa rin sa nakaraan kay Luna, ang babaeng iniwan siya ngunit patuloy niyang hinihintay.
Habang si Ade ay walang sawang nananalangin na sana siya ang piliin, mas lalo niyang natutuklasan ang katotohanan: minsan, kahit gaano katagal kang naghintay, hindi ikaw ang darating sa pintuan ng kanyang puso.
Isang kwento ng pananampalataya, sakripisyo, pag-ibig, at pagkawala na magtuturo kung paano yakapin ang hapdi at paano magpatuloy kahit nanahimik na ang mga panalangin.