Takip Silim

Takip Silim

  • WpView
    Reads 30
  • WpVote
    Votes 2
  • WpPart
    Parts 1
WpMetadataReadOngoing
WpMetadataNoticeLast published Thu, Nov 19, 2020
「 NALALAPIT NA PAG DARATING 」 - Isang kwento ng dalawang babae tungkol sa pag-ibig at sakuna na hinaluan ng elementong kababalaghan. "Naniniwala ka ba sa multo?" Tanong sa 'kin ng babaeng may bendahe sa mukha, sabay ngiti na para bang may masamang pakay. Ang mga mata niya'y numiningning at tila gutom para mang gulo. Bago tuluyang magpaibang bansa si Rin Agnes Dioquino para sa kolehiyo ay nais niyang bumalik sa Iloilo para sa huling beses ay makita niya muli si Angelo Lazarus, ang batang lalaking nakalaro niya dati nung kabataan, ang mismong lalaki na masyadong sabik niyang naaalala. Ngunit pagdating niya ay tuluyan nang nag-iba ang munting lalawigan. Ilan sa mga gusali ay napalitan, ang mga bahay din dito ay tila nawalan na ng mga naninirahan, at ang batang lalaki na dati niyang nakilala ay hindi na matagpuan kahit saan. Sa lugar ni Angelo, 'di niya inaasahang makita sarili niya na mas napapalapit kay Meya Jade "MJ" Morales, isang babaeng inip sa gulo na nakatira kasama ng kanyang mapamahiin pero mapang-alagang lolong si Doc Morales sa kanilang bahay na puno ng anting-anting, alindog, at kung ano pang mga nakokolekta ng kanyang lolo galing sa mga lokal na abularyo. Walang duda ay marami na nangyari sa anim na taong nakalipas pagkatapos ng kanyang huling pagbisita. Kung hindi pa misteryoso sa kaniya ang pagkawala ni Angelo, ang lumalaking duda na hindi lamang basta pangkaraniwan ang koleksyon ni Doc Morales ay siyang magkukumbinsi sa kanya na hindi talaga laging tama ang unang akala.
All Rights Reserved
#8
maikling
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • The Love Unwanted
  • AlaSais : Nightfalls at Six (Unfinished)
  • FANTASY Book 1: THEY EXIST
  • Lost in the Woods ✔️ (COMPLETED)
  • Mystery in Island (Completed)
  • Ang Babae Sa Kawayanan
  • The Scary Girl in my Cabinet [B O O K  1  / UNDER REVISION]
  • The Messenger Trilogy Book 2: I Kissed An Angel
  • Heaven's Warriors Series 4: An Angel's Reflection

Mahirap lang ang pamilya ni Saree at maysakit pa ang kanyang ina. She's nineteen at undergraduate at nagtatrabaho bilang dicer sa SJ Supermarket. Nang makilala niya si Gil ay nahulog ang loob niya dito. Akala niya ay supplier nila ito pero ito pala ang boss nila! At nang mangailangan siya ng malaking halaga para sa operasyon ng nanay niya ay nakagawa sya ng isang malaking pagkakamali na labis niyang pinagsisihan. Dahil nagpabayad siya sa binata sa halagang limang milyon kapalit ng panlilinlang niya dito. "From now on, don't ever appear at my sight, you're nothing but a shameless gold digger! Resign from the supermarket and don't ever show in my life!" pero bakit nasaktan siya sa sinabing iyon ng binata. Ng magkrus muli ang landas ni Gil ay hindi niya napaghandaan ang galit nito. Hindi siya nito napatawad. "So gusto mong pagbayaran ang ginawa mo noon?" Well, you can serve me Saree, bilang katulong dito sa hacienda. At ginawa niya kahit napakababa ng pagtingin nito sa kanya at lagi pang paangil kung makapag utos. Kinakaya naman niya ang malamig nitong trato pero hindi niya yata kaya nang masaksihan niya ang mga babaeng napapaugnay dito lalo na ng ianunsyo nito na may girlfriend na ito! At ng makilala niya kung gaano kaganda at kayaman ang girlfriend nito ay tuluyan ng gumuho ang pag asa niyang mahalin siyang muli ng binata!

More details
WpActionLinkContent Guidelines