Kapag naaalala ko yung mga pangyayari noon na masasaya, parang bumabalik ako sa saya na naidulot nya. Sa tuwing nakikita ko siya na masaya sa piling nang iba , lubos akong nasasaktan dahil sinayang ko yung mga pagkakataon na dapat nasa piling ko siya. May lungkot na nadarama at may halo ring saya. Sa nakalipas na ala-ala , may baong saya at sa huli ay nasaktan. Di natin masisisi kung bakit laging nangyayare sa buhay natin ang masaktan . Sadyang ganito talaga ang tadhana .