(Still on process of editing) "Uy! Kapag may nauna sating mamatay... At nalulungkot ka o kaya ako. Tingin lang tayo sa langit ha? Kasi sabi sakin nun ni papa bago sya mamatay, lahat daw ng mga namamatay nagiging bituin. Kung alin yung makinang, yun ang taong hinahanap mo..." Sabi nya sakin ngunit tinawanan ko lang sya. "Anong kalokohan na naman yan, September?" Natatawang sabi ko at di na sya pinansin. Nakita ko naman sya na lumabi dahil sa sinabi ko. Padarag syang humarap sakin at itinaas ang kanang kamay na parang magpapanata. Hinatak nya din ang braso ko para gayahin sya. "Mag-promise ka..." She said with pure determination. "Na ano?" "Mag-promise ka na titingin ka sa langit na kapag nalulungkot ka at hahanapin natin ang isa't isa" "Pero hindi pa naman tayo patay" "Kahit na! Patay lang ba ang may karapatan? Saka di naman nila yun malalaman" Umiling ako habang tumatawa sa sinabi nya. Ang seryoso nya kasi. "Ano? Promise?" Hindi ako sumagot at sinalubong lang ang nangungusap nyang mga mata. Kumunot naman ang noo nya nung napansin na tinititigan ko lang ito. "Promise?!" Singhal nya sakin. "Promise..." Lumalambot ang tingin ng mga mata nya dahil sa sinabi ko. Di ko alam kung natutuwa ba sya o ano. "Cross your heart?" Ngumiti ako sa kanya at gumuhit ng ekis sa bandang dibdib ko bago ginulo ang buhok nya. "Cross my heart..." SEPTEMBER Genre: Teen fiction Date started: March 10, 2020 Date finished: May 4, 2020