Paano kung ang kwentong nakatala sa ating kasaysayan ay isang kasinungalian dahil sa isang pangakong binitawan para maprotektahan ang buhay ng isang pamilya na ang nais ay mapayapang buhay? Noong Enero 23, 1896, ipinanganak si Francisco Rizal. Isinilang siya sa panahon na nagsisimula na ang himagsikan laban sa mga Kastila, nagkakaroon na ng pagaalsa sa iba't ibang probinsya at kumikilos na ang Katipunan para tapusin ang mapangabusong pamamahala ng mga Kastila sa Pilipinas. Ang kanyang ama ay ang ating pambansang bayani na Dr. Jose Protacio Mercado Rizal y Alonso Realonda. Sa kasaysayan at sa mga libro nakatala na si Francisco ay namatay sa araw mismo nag siya'y isinilang. Pero ito ay isang kasinungalian. Sa kasalukuyan, si Arlene Llavez ay isang estudyante na nagaaral ng kursong Journalism. Dahil sa isang asignatura, magbabago ang ikot ng kayang buhay nang matuklasan niya ang pinakamalaking lihim sa kasaysayan na bunyag ng isang pangako. Naiiwan sa kaniya ang desisyon kung ang kayang natuklasan ay ibubunyag o patuloy na itatago dahil sa panganib na nakaabang rito.