First day in College life. Panahon kung saan, ang mga estudyante ay excited sa new level ng kanilang pag-aaral. Ito rin ang panahon kung saan ang mga estudyante ay may bagong makikilala. May dalawang uri ng estudyante na pwedeng makita o makilala ng isang freshman student. May mabuti, at syempre, may mga masama. Isang estudyante ang excited na pumasok sa pagkacollege at ito si Lyra Erin Hughes o mas kilala sa tawag na Rara. At sa di inaasahan, ang masayang araw sana ni Rara sa unang araw niya sa University ay naging miserable. Dahil nakabanggaan niya ang anak ng nagmamay-ari ng University na kanyang pag-aaralan na walang iba kundi si Prince Philip 'Marco' Go. At bilang parusa ni Rara, sa pagmumura niya kay Marco, nagkaroon sila ng kontrata na magiging Personal Maid ni Marco si Rara. Walang magagawa si Rara dahil mapapaalis siya sa University kung hindi niya susundin ang napag-usapan nila ng lalaki. Ganun ka-disperada si Rara na magkapag-aral sa Go University dahil ito ang kanyang pinapangarap Magiging daan kaya ito sa dalawa para sila ay magkadevelopan? O mas pipiliin na lang ni Marco na kalimutan ang lahat pagkatapos ng kanilang kontrata dahil kinailangan niya rin namang magpakasal sa isang babaeng di niya mahal at kilala, para maisave ang kanilang other businesses? At ito ay hindi alam ni Lyra.
4 parts