Black sheep sa pamilya. Iyan ang tingin ni Dani San Pascual sa sarili noong hindi pa siya nakakilala sa Panginoon. She was a thug on the streets. Kasama niya ang mga barkadang lalaki hanggang madaling-araw at minsan pa ay sa kalye na natutulog. Subalit kahit anong takbo at tago niya ay isang araw natagpuan pa rin siya ng Panginoon dahilan para magbago ang buhay niya. She's getting better...but it was just a short breath of fresh air. Nagkrus ulit ang landas nila ng lalaking magpapakamatay na sana isang taon na ang nakalilipas sa flyover. This time hindi na ito magpapakamatay... nagnanakaw na naman ang binata. Ngunit imbes na matakot ay awa ang naramdaman niya para dito. Kaya naman ipinagdasal niya agad na maging vessel siya para malaman rin ng binata ang Panginoon. That was her plan. Ngunit mapaglaro pala talaga ang mundo dahil isang araw natuklasan niya na hindi lang pala awa ang nararamdaman niya para sa binata; gusto na niya ito. Ang tanong... magustohan parin kaya n'ya ang isang Asher Klein Foster kapag nalaman n'ya ang kuwento ng buhay nito? --- "...and when I thought it was over, God sent an Angel to fight the giants with me."