Canvas Of Us
Huling taon ni Penelope sa high school nang dumating sa buhay niya ang makulit at over-friendly na Amerikanong exchange student na si Ryan-ang lalaking una niyang kinainisan ngunit kalaunan ay lihim niyang minahal.
Hindi niya kailanman ipinagtapat ang kaniyang damdamin, at walong taon ang lumipas bago muling nagkrus ang kanilang landas. Sa kabila ng panahon at ng mga lalaking dumaan sa buhay niya, napagtanto ni Penelope na si Ryan pa rin pala ang laman ng puso niya.
Umaasa siyang baka sa pagbabalik nito ay mabigyan sila ng pagkakataong ipagpatuloy ang naudlot nilang love story. Dahil bago tuluyang bumalik si Ryan sa America walong taon na ang nakalilipas, isang halik ang iniwan nito kay Penelope-isang sandaling lihim niyang pinanghawakan sa loob ng mahabang panahon.
Ngunit sa muli nilang pagtatagpo, isang bagay ang agad na sumira sa pag-asa ni Penelope: ipinakilala ni Ryan sa kaniya si Valerie, ang fiancee nito na hindi lamang niya kahawig, kundi halos kapareho rin niya ng personalidad.
Pinili na lamang na layuan ni Penelope si Ryan sa kabila ng sakit na idudulot n'on. Ang problema? Sa halip na tulungan siyang makalimot, lalo lamang siyang nililito ng lalaki sa mga kilos nito-maalaga, malambing, at kung umasta ay parang boyfriend niya.
May nararamdaman din kaya si Ryan para sa kaniya? O sadyang isa na naman itong laro na pakana ng tadhana para paglaruan ang puso niya?