"Isang gabi lang ang maiaalok ko. If you want to touch and kiss me."
Sa tanang buhay ni Bright ay noon lang siya napahiya ng husto na gusto niyang umiyak. Kahit isa lang, isang beses lang, gusto niyang markahan ang guwapong mukha ni Aaron.
Pagkatapos nang kataksilang ginawa ng kanyang ama sa mommy niya noon, at kumakailan lamang ay ang panlolokong ginawa sa kanya ng ex-boyfriend na si Jake, Bright promised herself not to love and trust again. And being deeply attracted to Aaron Alistair de Asis, who just offered her one-night-stand, was the last thing she wanted. Worse, tulad niya, may panata rin si Aaron na hindi na muling makikipagrelasyon pa pagkatapos ng kabiguan nito. Worst, sinabi sa kanya ng psychic na kapatid nitong si Allie ang nakita nitong pangitain.
"It was Kuya Aaron's wedding. And you're his bride."
Pagkatapos siyang banatan ng one-night-stand ni Aaron at nang nakapangingilabot na pangitain ni Allie, isa lang ang pumasok sa isip ni Bright kung sakaling mangyari ang pangitain ni Allie. Ikakasal sila ni Aaron dahil buntis siya.
Teka, bakit ba siya na-te-tense samantalang wala naman siyang balak makipag one-night-stand kay Aaron? Pero hinalikan siya nito at nagustuhan niya ang halik...
Ah, basta. Hindi mangyayari ang hula!
(Unedited Version)
Dahil sa kumplikadong sitwasyon at banta sa kaligtasan ay napunta si Cara sa poder ng kaibigan ng namayapang ina. Ngunit tila mas lalong naging kumplikado ang sitwasyon nang mapagkamalan syang "kabit" ng matandang lalaki at subukang ilayo ng biyenan nito sa tulong ng bunsong anak na si James.
Nang magkaliwanagan ang lahat ay magkakaroon din kaya ng linaw ang nararamdaman nila ni James o sadyang pinaaasa lang nya ang sarili para isiping may kahulugan ang magandang tinginan nila?