Sa ilang libong taon, pinamumunuan ng mga tao ang Mundo. Ngunit hindi ito nagtagal.
Unti unting nalaman ng mga tao ang iba't ibang uri ng mga nilalang na naninirahan kasama nila dito sa mundo. Witches, aswang, vampires, mga taong lobo or werewolves at mga iba pa.
Maraming malalagim na bagay ang nangyayare sa matagal na panahon. Dahil sa takot, lumaban ang mga tao para narin sakanilang kaligtasan. Humanap at lumikha ang mga ito ng mga pamuksa or pampatay sa mga ganitong nilalang.
Tumagal ang paglalaban ng dalawang lahi, marami ang namatay, marami na rin ang naulila sa kanilang mga mahal sa buhay.
Hanggang ang Wolf Spirit (na namamalagi sa buwan) ay namili ng isang Taong Lobo na may kakayahan at tapang para pamunuan ang mga Lobo. Biniyayaan niya ito ng pambihirang abilidad (ang Elemental Wolves), upang pamunuan ang mga Lobo, At ito ay naganap. Sa tulong ng Alpha King naibalik nila ang kapayapaan sa bawat lahi. Ngunit Hindi sa matagal na panahon.
Dahil sa kataksilan ng iilan, muli nanamang nanaig ang kasamaan. At takot nanaman ang naghahari sa mundo.
Sa pagkamatay ni Adher nawalan ng mabuting mamumuno ang mga Werewolves at unti unti na namang umaatake sa maliliit na bayan ang mga ito. At iilan sa mga tao ang nakaka alam ulit sakanilang pamamalagi sa mundo.
Ngunit may pag asa pa na muling maibabalik ang kapayapaan sa mundo, sa tulong ng anak ni Adher, na si Lucas.
Nasa kapalaran ni Lucas ang muling pagkakaroon ng kapayapaan sa mundo. Sa tulong ng mga kaibigan at nasasakupan nito.
Pag upo ko . Oh lala . Halos maglaway ako sa nakita ko. Shete ke-ganda ng view !!!
Si Clarence my Lalalabss lang naman ang nasa direct view ko. Siya nga pala ang boyfriend ko. Although one sided at hindi siya na inform eh mahal na mahal ko siya.
Naka headset siya at naka-dekwatro sa bench paharap sa field bali naka side view siya mula sa kinauupan ko dito sa garden
Shetness ang Hottie. Di niyo ba naramdamang umiinit? Homaygawd. Ako nararamdaman ko.
On the second thought wala na akong balak matuLog kusang gumalaw yung kamay ko para isketch siya. Pero nilagyan ko siya ng pakpak ng anghel kasi para sakin para siyang anghel na nilaglag sa lupa para pakiligin ako.
Pencil lang ang gamit ko kaya para siyang shadowing. Bawat stroke hindi ko maipaliwanag ang automatic na pag-galaw ng kamay ko. Na para banag bawat feature ng mukha at katawan niya ay naitatak ko na sa isipan ko kayat kabisado na ng kamay ko.
Pasulyap sulyap lang ako sa kanya. Minamasdan ang tamang anggulo para macaptured ko ng buo. Hanggang s amatatapos ko na at yung background nalang sa kanang part ang kelangang ilagay.
Pag angat ko ng tingin. Oh my! bigla siyang tumingin sakin! Nagsalubong ang mga mata namin at halos man laki ang mga mata ko sa gulat.
Bigla kong tinakip yung sketch pad sa muka ko. I felt the slowly reddening of my face. Damn. Nakakahiya to. Baka sabihin Pervert ako kaya ko siya tinitignan.
Gusto ko sanang tignan ulit kung totoo bang nag kasalubong yung tingin namin o assuming lang ako.
Pero pano kung nakatingin padin siya ? Jusme, nakakahiya pero sige na nga titignan ko na. Hwew kelande.
Pag baba ko ng sketch pad para sana silipin eh ayon. Wala na siya. Nice one. Ang sakit.
Tss. Paasa.
-