"TO MY GOD LETTER"
To my God diary ginawa ko ito Dahil sa mahilig ako mag-sulat ng aking nararamdaman araw-araw at nagkwekento ako sa Diyos ng mga bagay na nakakapagpasaya sa akin at mga lungkot na aking nararamdaman. Naniniwala ako na may Diyos dahil ramdam ko sa puso ko na nandyan sya palagi dahil sa bawat araw ko sa buhay sa kanya ako tumatakbo kasi minsan diba sa buhay natin dumadaan yong pagsubok na hindi mo na alam kung kanino ka magtitiwala kasi napagdanan muna kasama sila tapos paulit ulit kang sinasaktan sa isip salita at gawa pero sigurado ako pagsubok yon sa atin na sinusubok ng Diyos kung patuloy ba ulit tayo magtiwala , magmahal at umunawa minsan hindi natin alam ang gagawin kundi umiyak at don darating yong point na maaawa tayo sarili natin kasi yon ang pinagdaanan natin at lahat ng pagkakamali, pagkukulang, iiyak na lang natin sa sulok at kakausapin ang Diyos dumating pa sa point na gusto mo na lang taposin buhay mo yong gusto mo na lang magpahinga ,yong wala ka nang mararamdaman na kahit anu , yon yong mga nararanasan ko sa paglalakbay ko sa edad na 25taon ngayon. Maraming pagkakataon kahit na marami na akung pinagdaanan minsan hindi ko alam saan ako kukuha ng lakas loob laking pasasalamat ko mahigpit ang hawak ng Diyos sa akin, kaya narito ako buhay at patuloy nangangarap matapos ang mission sa mundo. Hiling ko sana mabasa nyo ito at magustohan nyo kahit na maikli at yong ibang chapter ay simple hiling ko na may aral pa din kayo makukuha galing sa akin at sa Diyos maramdaman nyo sa puso ko yong naramdaman ko para maging bigay inspirasyon sa inyo hindi ko man nilagay yong totoong ako pero totoo akung tao na mahiyain na parang hindi, hindi ko din maintindihan sarili ko basta ang alam ko lamang nandyan ang Diyos para sa atin lagi sa nandyan para sa atin lahat pananalig at manalangin tayo palagi sa kanya nandyan siya handang tumulong at makinig. Salamat Lord at sa inyo mga mabuting kapatid ko na bumabasa nito! God blessed !🙏🙏🙏God speed. .