Noon, akala ko siya na talaga dahil napuno kami sa pagmamahalan at pangako. At ngayon, natutunan ko na hindi pala iyon assurance para maging masaya at manatili kayo sa huli. Hindi pala! Napabilang na lang ako sa mga taong umaasa sa 'my first love will be my last love'. Siya ang first love ko but it was wrong for me to believe about fairytales and wished for happily ever after. Dahil isang umaga sa nakaraan, nagising na lang akong hindi ko na siya kilala.