Perfect timing siya iibig, perfect man ang kanyang iibigin, at perfect love relationship ang pangarap niyang relasyon. Iyan ang isinumpa ni Xia na mangyayari sa kanyang buhay. Pero puro kabaligtaran ang nangyari sa mga binuo niyang 'perfection' sa kanyang isipan. Nang dumating sa bahay nila ang pinsan ni Ariel na si Oliver, nasira ang kanyang isinumpa sa sarili. Mai-inlove yata siya ng wala sa panahon sa isang lalaking ang dami niyang nakikitang kapintasan at kung ito ang makakatuluyan niya, mukhang hindi perfect love relationship ang makakamit niya kungdi labu-labung relasyon. Ang dahilan, kabi-kabila ang nobya ni Oliver.