Love+ Isinulat ni Hiro Matsune Mahirap maging parte ng LGBTQ+ community ngayon yun ang katotohanan. Sadyang hindi pa talaga tayo tanggap ng buong mundo at hindi maiiwasan na tayo husgahan ng marami, ngunit ang nakakalungkot dito pati na rin sa LGBTQ+ community at may discrimination na din. Kaya nakakalungkot marami sa atin ang naghahanap ng equality pero hindi naman equal ang pagtrato sa isa't isa huhusgahin ka sa itsura mo, sa mga galaw mo, pananamit mo, sa pamumuhay mo at ipb. Minsan din hinuhusgahan ang mga taong may problema sa kalusugan lalo na ang sakit na 'HIV'. Sa panahon ngayon mas dumadami ang mga taong nagkakaroon ng sakit na HIV pero nadalas hindi sineseryoso ang topic na ito. Ang HIV karamihan ay ginagawang pananakot, o kadalasan panlalait sa isang tao; minsan ginagamit din upang sirain ang isang tao kahit meron man siya o wala dahil basta sinabi sa iyong HIV positive ka huhusgahan ka nalang ng ibang tao, kaya karamihan ngayon takot mag pa-test o takot sabihin ang meron silang HIV dahil sa mundo natin ngayon na mapanghusga.All Rights Reserved