Lahat ng tao may karanasan, lalo na sa buhay pag-ibig.
Ang storyang naririto, lahat gawa ko. haha. :P
Pero hindi lahat na nakasulat, ay totoo. Halo-halo lang. May totoo at meron ding hindi.
sa unang storya, inilathala ko ang aking storya at kung paano rin ako nakarating sa mundo ng pag-rrp. Paano ako naging tanga rin sa isang pag-ibig na hanggang ngayon, alam kong kahit hindi man naging tulad sa storya ko ang ending talaga ng buhay ko, ay ipinagsasalamat ko pa rin na naranasan ko
ang kung paano ang masaktan at umibig. Kahit kunwari lang siguro, at least may karanasan diba?
Lahat ng mga isinulat ko rito, ay may bahid ng katotohanan. Syempre, ang mga tao na nandiyan, ang iba, gawa-gawa ko lang. For privacy reasons.
Ako nga pala si Naitte. At ito ang aking kwento....
Autumn Skylar Claveras, the brat. Sunod sa luho. Kailan man ay hindi sya lumuluhod sa kanino man. Marami ang nagkakandarapa sa kanya. She has a beauty of a goddess and a body to die for. She has an hourglass figure kung kaya't marami ang naiinggit sa kanya. She's straight, not until she met the snob SC President of Stanford University.
Paris Sylven Leviere, the snob SC President. She has many admirers but she doesn't entertain them. Ang bawat salita nya at sinusunod ng mga students ng Stanford University. She's smart and gorgeous. Straight.
Hanggang saan ang kayang gawin ni Autumn para lang mapa-ibig si Paris?