Sypnosis Walang lugar ang mundo sa kagaya nila. Isang nilalang na hindi tugma sa mundo ng mga tao. Nilalang na pinagkaitan ng kalayaan, ng sariling pamumuhay at magandang kinabukasan. Isang nilalang na ang tingin lang sa kanila ay isang pansamantalang kaligayahan at aliw sa mga taong huhusgahan sila pagkatapos silang makita. Mabalahibo, katawang nagbabago sa pagsapit ng umaga at nagiging kakaibang nilalang sa gabi. Isang salot, yan ang tingin sa kanila ng mga tao sa bayan ng Santillan. Ang bawat sising kanilang pinapasan sa tuwing may patayang mangyayari, mga hayop na nawawala, sakit na bigla nalang kakalat sa buong kabayanan. Nilalang na walang kalayaan... Edwardo Ahunsyo, kilala sa tawag na Mayor ng Santillan. Isa sa pinakamayamang tao sa buong Kabayanan, nag iisang anak ng angkang Santiago at Anabella na dating mayor ng Santillan. Taga pagmana at isang mabuting ginoo sa mga nasasakupan. Kilala ang binata hindi dahil sa katungkulan nito s pagiging mayor ng kabayanan pero dahil sa angking kagandahang lalaki nito loob at labas. Isang dalaga... na sumpa sa Santillan. Isang binata na may mataas na tungkolin s kanyang nasasakupan. Pagsasamahin ng mapaglarong tadhana, mapangkutyang mata, maduming isipan, pag subok na haharangin ang pagmamahalang walang mag aakalang lalago katulad ng isang patay na halaman. Pag-ibig na susubukin ng hanggang sa huli. Isang pag mamahalang masasaksihan ng buong Santillan. At ang pagkawasak sa huling pagkakataon...All Rights Reserved