"I don't want to get married. I just want to make money. But having a child without commitment is okay." Si Divine ay isang uri ng babae na ang pinaka-ayaw ang commitment. Dahilan kaya ilang taon na siyang walang karelasyon. Dahil nakatatak na sa isip niya na ang isang relasyon ay hahantung at hahantung din sa hiwalayan. Magkakakilala, magiging magkaibigan, magkaka-ibigan, magpapakasal, mag-aaway, maghihiwalay at magkakalimutan. It's just a cycle. Babalik at babalik kung paano nagsimula ang lahat. Ayaw niya sa mga ganung relasyon, pero gusto niyang magkaanak. Ang tanging silbi lang ng mga lalaki para sa kaniya ay buntisin ang mga babae at magsustento ng pera. Hindi niya kayang isipin na magkakaroon siya ng sariling pamilya. Anak, oo. Pero asawa? Hindi. Never. May maganda siyang trabaho at kayang-kaya niyang buhayin ang sarili at anak niya, kung magkakaroon man. "Hindi ko kailangan ng lalaki na katuwang sa buhay. Kaya ko ang sarili ko." Pero paano kung makatagpo siya ng isang lalaking pilit na babago sa mga paniniwala niya? Mahigpit niya kayang panghahawakan ang mga pinaniniwalaan niya? O hindi siya matatakot na papasukin ang lalaki sa buhay niya ay hayaan itong patunayan na mali ang mga pinaniwalaan niya? | Credit to the owner of the pic I used |