PROLOGUE "ANONG PAKIRAMDAM NA MAGING ANAK NG KABESA ISABELA?" tanong sa akin ng akibg matalik na kaibigang si leonor. "ayos naman." simpleng tugon ko sa kaniya. Kasalukuyan kaming naglalakad pauwi sa aming baryo. Kagagaling lamang namin sa paaralan. "ikaw.? Kamusta sila inay nora?" tanong ko dito. "si inay? Hindi na namin siya pinagtatrabaho sapagkat humihina na ang kaniyang katawan sa sobrang init dahil sa pagtatrabaho sa palayan" "maganda nga siguro marahil kung ipatigil na ninyo si aling nora. Mas maganda na sigurado tayo" . "oo nga. Sige isabela dito na ako" turo nito sa isang daan. Nandito na pala kami sa bungad kung saan naghahati ng daan patungo sa aming mga tahanan "sige. Mag-iingat ka!" paalam ko dito. Tanging tango nalamang ang naisagot nito sa akin kaya naman nagsimula na akong maglakad dahil malayo layo pa ang aming bahay.