Karaniwan na sa atin mga Bess, yung lagi na lang nakakaramdam ng sakit. Mapa - buhay man yan o pag - ibig, lagi na lang tayong nakakaramdam ng ganyan. Bilang babae kasi, sabihin mang palaban tayo, ay nangingibabaw pa din talaga minsan yung pagiging, pusong mamon natin. Deep inside kasi, malambot tayo, kaya konting makaramdam lang tayo ng hindi maganda sa relasyon natin, iiyak na agad tayo, lalo na tuwing mag - isa lang tayo.
Pero kahit na nasasaktan na tayo, siyempre andun pa din yung kagustuhan natin na hindi magpatalo. Never give up tayo e, kahit sobrang sakit na laban pa din ng laban, lalo na para sa mahal natin.
Tayo kasing mga babae, masyado tayong sentimental pagdating sa pag - ibig. Kaya naman hindi talaga nawawala sa atin ang magbasa o makinig ng mga hugot mula sa internet o sa mga kaibigan mismo natin. kahit nga tayo mismo humuhugot na din minsan. Nagiging katuwaan na nga natin ang paghugot tuwing kasama natin ang mga Bessies natin. Kaya naman mga Bess, hinanda ko tong mga quotes na to para sa inyo, sana magustuhan nyo.