Isang babae ang naulila ng maaga...pagkamatay ng kanyang ama at nakatatandang kapatid na lalake ay sumunod naman ang kanyang ina naging palaboy sya sa kalye at natutong gumawa ng masama...isang araw siya ay napadpad sa isang bahay ampunan na pag mamay-ari ng isang babae mag-isa na lang sa buhay katulad nya,hindi nya inaasahan na ang bahay ampunan na kanyang pinasukan ay magdadala sa kanya sa katotohanan tungkol sa kanyang buong pagkatao. Sa paglipas ng panahon unti-unting inalis ng ampunan ang alaala nya hanggang sa ang tangi nya na lang na natatandaan ay ang mga araw at oras na kasama nya ang babae at ang ibang mga bata sa ampunan. Masayahin syang bata ngunit nagbago ang lahat ng ang mga alaala na nawala ay unti-unting nagbalik hindi inaasahan ng lahat ang malaking pagbabago nito. Makakapasok sya sa isang paaralan kung saan nakatago ang napakaraming misteryo at sya makakakilala ng iba't-ibang uri ng tao na hindi nya inaasahang may kaugnayan sa kanyang nakaraan. Subay-bayan ang kwento ng isang dalaga na ang hangad ay katarungan ngunit sa paghahanap nya ng katarungan ang katotohanan ang kanyang matutuklasan. Isang babaeng walang emosyon. Isang babaeng walang awa. Isang babaeng puno ng galit. Isang babaeng assassin na nabubuhay sa digta ng itinuturing nyang ina. May pag-asa pa kaya na magbago sya? Pinalaki sya sa galit at hinanakit tinuruan syang pumatay at magpahirap ng mga tao...may pag-asa pa kaya syang magbago o magbabago pa kaya sya lalo na pag nalaman nya na ang mga taong dadating sa buhay nya ay parte ng nakaraan na kanyang nalimutan. Oo masama sya pero wag kang manghusga ika nga nila "Don't judge a book by it's cover" Masama sya "oo" pero ang pinagmulan ng kanyang kasamaan ay dulot ng madilim na parte ng buhay nya kung saan nawala lahat sa kanya at tanging ang sarili na lang nya ang maaasahan nya.All Rights Reserved