Makapangyarihan ang oras. Sa bawat paglakad nito, nagbabago ang lahat.
Maliit man o malaking pagbabago, ang bawat isa sa atin ay apektado.
Noon, lollipop lang ang iniiyakan
Ngayon, umiiyak nang 'di alam ang dahilan.
Noon, nakukuha sa isang tingin ng magulang
Ngayon, kahit nakatirik na ang mata ng magulang ay wala lang.
Noon, cute ka
Ngayon, nakakata-cute na
Noon, pinanggigigilan ka
Ngayon, sa problema, gigil na gigil ka na.
Noon, walang problema
Ngayon, #StrugglesAreLife na ang tema
Noon, ipinapatong lang sa ulo ang korona
Ngayon, virus na.
Noon, sa Nokia 3210 lang masaya na
Ngayon, kahit pinakabagong modelo ng telepono, malungkot ka pa.
Noon, pabili doon pabili dito
Ngayon, napakahalaga na ng bawat sentimo.
Noon, laruan lang ang pinaglalaruan
Ngayon, pati damdamin ginawa nang laruan.
Noon, ang simpleng bagay na naghahatid sa'yo ng ligaya
Ngayo'y unti-unti nang nawawalan ng halaga.
Noon, away-bati lang ang magkakaibigan
Ngayon, away lang wala nang batian.
Noon, mahalaga ka para sa kanya
Ngayon, sino ka ba?
Noon, malapit kayo sa isa't isa
Ngayon, from Earth to Moon na ang distansya.
Buhay nga naman, walang kasiguruhan. No definite path. Ngayon, papuntang kaliwa. Bukas, papuntang kanan. Bukas makalawa, babalik sa pinanggalingan. Minsa'y 'di pa alam ang tatahaking daan.
Hihilingin mo na lang na bumalik ang dati, kagaya ko. Sana palagi na lang bata. Sana palagi na lang kahapon. Sana palagi na lang NOON. Kung saan ang buong San Juan, ikaw at ako lang ang naroon.
‶Get out of my sight before I do something I'll regret!″ the eldest shouted, his voice laced with fury.
‶I will. But I'm taking her with me,″ his younger brother replied, his expression unwavering.
‶Don't you dare come near her! She won't end up like you!″ the eldest retorted, his eyes ablaze with anger.
Amidst their yelling match, a young girl sat under the table, her eyes overflowing with tears and head throbbing uncontrollably. Her family had always been an unconventional one, but that day marked its transition from unconventional to unhappy.
*************************
Miles apart, a young boy looked at the star marred sky with twinkling eyes. As the shooting star made its appearance, he closed his eyes and prayed for the one thing he craved for the most.
'A happy family.'
‶What did you wish for?″ a manly voice interrupted him.
‶Death.″