The Art Of Letting You Win (Escape Series #1)
Escape Series #1
Kung susubukan ko bang tumakbo, may taong hahabol para sa akin? Gusto ko ako naman 'yung habulin. Gusto ko ako naman ang unahin. Pero hanggang kailan ko kailangan unahin ang iba bago ang sarili ko?
Ako si Amaia Seleira Villareal, dalawampu't isang taong gulang, tumayong magulang sa dalawang kapatid. Sinikap ko makahabol para lang makapag-aral. Hanggang sa lumipas ang dalawang taong napag-iiwanan dahil kapos sa buhay.
Hindi ako mareklamo, pero parang araw-araw ang bigat. Gigising ako nang maaga, maghahanda ng almusal hanggang tanghalian, magtatrabaho, at ipagpapatuloy ang susunod na araw kahit ang katawan at utak ko ay ubos na. Kasi kung hihinto ako-para ko na ring hininto ang pangarap para sa mga kapatid ko.
Kaya kong bitbitin ang bigat ng lahat. Ang mga bills. Ang budget para sa groceries. Tuition ni Selene. Na kahit ilang beses kong kwentahin sa utak ko tuwing gabi, at magbaka sakaling sana susunod na araw mas mabilis dumating ang sahod ko kesa sa mga bayarin.
Nakikita nila kung paano ko ipakitang okay lang ako, kung paano ako ngumiti. Pero hindi nila nakikita kung gaano ako kapagod na. Kung paano ako umiyak nang tahimik, na sana may mag-aalaga rin sa akin tuwing pagod ako. Kung paano ko patayin ang sariling pangarap ko, para lang mabuhay ang pangarap nila.
Started: June 25, 2026
Ended: