Mabuhay! Kayo po ba ay mahilig magsulat at nais ipakita ang inyong talento. Tara na at sumali at magwagi sa pagalingan sa pagsulat ng sanaysay.
Mga alituntunin ng pagalingan sa pagsulat ng sanaysay
Ang mga nanalo mula sa mga lalawigan ay kasali sa pangkalahatang antas ng timpalak. Bukod sa katibayan ng kahusayan, ang mga
magwawagi sa pangkalahatang antas ay tatanggap ng
• P7,000 para sa unang pwesto
• P5,000 para sa pangalawang pwesto
• P3,000 para sa ikatlong pwesto
Ang mga nanalo at ibang mapipiling sanaysay ay isasama sa aklat o e-book na pinamagatang Sino ang Pilipino? Kung ang iyong sanaysay ay mapipili para sa aklat o e-book kahit hindi ka kabilang sa mga nanalo, tatanggap ka ng katibayan ng kahusayan at limang daang piso.
Ang pamamalakad ng Pandayan ay siyang may huling desisyon sa pagpili sa mga mananalong sanaysay. Kung sakaling ipagbibili ang aklat na nabanggit sa itaas, ang anumang kikitain nito ay paghahatian ng Bantay Bata at Philippine Eagle Foundation.
Ang bawat sanaysay na sinali sa timpalak ay magiging pag-aari ng Pandayan Bookshop. Ang pagsali sa timpalak ay tanda ng
pagsang-ayon ng sumulat ng sanaysay sa mga alituntunin ng timpalak.