Para sa buhay ng isang Jeremy Ace dela Vega ay hindi nakukumpleto ang araw niya nang walang binubully. Maraming nagkakagusto sa kaniya kahit ba ang ugali nito ay mayabang, pala-away, mapang-asar, bully, at matigas ang puso. Ginugusto siya ng karamihan dahil sa tangkad, kaputian, pagka plump lips, at masculadong katawan nito kahit ba minsan ay nakakatakot ang vibe nito. Lagi naman sinasakyan ng mga kaibigan niyang si Stephen Valencia at James dela Cruz ang bawat kalokohang ginagawa nito. Ngunit sa kabila nang lahat ng kalokohan bawat isa ay may malalim na dahilan, ano nga ba ang dahilan na ito? Malalaman ba natin ito sa pagdating ng bagong babae sa kanilang paaralan na nagngangalang Nicomaine Dei Garcia. Ang babaeng ito ay may pagka-mayabang pero mabait, maraming kaibigan, matulungin at mapagbigay. Siya ay parang simpleng babae, matangkad, mahaba ang buhok, matangos ilong, may tsokolateng kulay ng mata, mapupulang labi, at sakto ang katawan. Sa hindi inaasahang panahon ay paglalaruin ng tadhana ng dalawang taong ito.