Si Cesil ay isang babaeng hindi alam ang gustong marating sa buhay.. Sa napili niyang kurso sa isang University ay nakilala niya at naging kasintahan si Andy Dela Cruz . Hindi na alintana sa kanya kung ayaw niya sa kursong nakuha niya o kahit na nagkabagsak bagsak siya sa kanyang mga subjects dahil ng mga panahong iyon mahalaga sa kanya na kasama niya palagi ang taong pinakamamahal niya. Ngunit isang araw nagising nalamang siya na ibang Dela Cruz na ang tinitibok ng puso niya. Sino nga ba itong Dela Cruz na ito?