Ganito talaga sa bansa natin. Madalas false alarm. Gaya ngayon... signal number 3 daw pero umaaraw. Binuksan ko ang pintong gawa sa makapal na salamin, at pumasok sa maliit na lugar na puno ng iba't ibang uri ng tinapay, cakes, at nakaka laway na pastries. "Good afternoon po. Welcome to Frostings. Tuloy po kayo." Bati sa akin ng maliit na babaeng naka suot ng green apron at nakaka hawang ngiti. "Hello. Table for two please. May iniintay lang ako. Pwede mag order ng bottomless iced tea habang nag iintay?" Tanong ko dito. "Opo. Baka gusto niyo po tignan selection namin sa display racks... baka may magustuhan po kayo habang nag iintay?" Alok nito sa akin sabay turo sa glass cases kung saan naka arrange ang mga pastries. Tinungo ko ito, at yumuko ng konti upang makita ng malapitan ang mga naka display. "Wala kaming fruitcakes, pero meron kaming blueberry cheesecakes. Hindi ko matatapatan ang paborito mo... pero sana magustuhan mo man lang kung ano kaya kong ibigay sayo." Wika ng matipuno at matangkad na lalake. Ngumiti ito sa akin, at matapos ang ilang segundo ay niyakap niya ako ng mahigpit. "Ilang taon na ang pinalampas natin. Sana, sa pagkakataong ito... ako naman ang piliin mo." Sabi niya ng nakatitig sa mga mata ko.All Rights Reserved