Ang Baing Alay
  • Reads 15,934
  • Votes 895
  • Parts 39
  • Reads 15,934
  • Votes 895
  • Parts 39
Complete, First published Feb 21, 2020
Pinanganak bilang isang bai ngunit ang kaniyang tunay na pagkakakilanlan ay kaniyang ikinubli sa pagkatao ng isang ato. Siya ay walang iba kundi si Hiraya Manawari, binukot na mayroong kakambal na tagna.

Sa pagsilang ni Hiraya, isang tagna ang nahinuha ng mga babaylan. Tagna kung saan si Hiraya ang sinabing kauna-unahang bai sa kasaysayan na magiging pinakang makapangyarihan. 

Ang kaniyang iloy na si Arsenal ay isang oripun na mula sa banwa ng Maharlika, habang ang kanyang baba na si Marasanig ay isang tumao na mula naman sa banwa ng Agato. Mapayapa at naging masagana ang kanilang pamumuhay sa Agato ngunit dumating ang araw na mapapaslang ang kanilang Rajah at si Marasanig ang ituturong salarin at taksil.

Upang mailigtas ang kanyang magsing-iloy mula sa banta ng mga mandirigma ng Agato, itinaboy ni Marasanig sina Arsenal kasama si Hiraya pabalik sa Maharlika.

Subalit sa pagtuntong ng magsing-iloy sa banwang iyon, binihisan ni Arsenal ang anak na bai ng mga kasuotang pang ato upang mailigtas si Hiraya sa ritwal ng pag-aalay. Isang nakasanayang paniniwala at seremonya kung saan ang banwa ng Maharlika ay kailangang mag-alay ng isang bai sa kanilang tagapag-andukhá kalapit ang kaligtasan at katahimikan ng buong puod. Subalit dala ng pagkasabik ni Hiraya na mamuhay bilang bai, palihim siyang lumalabas na nakabestida. At ang kasabikang iyon ang naging dahilan upang mawalan ng saysay ang kaniyang pagkukubli.
All Rights Reserved
Table of contents
Sign up to add Ang Baing Alay to your library and receive updates
or
#52ancient
Content Guidelines
You may also like
You may also like
Slide 1 of 10
Segunda cover
Task Force Trilogy #2: Checkmate cover
THE BAD BOY & THE TOMBOY cover
Penultima cover
Way Back To You cover
Lo Siento, Te Amo (Self-Published under Taralikha) cover
I'm a Ghost in Another World cover
Lock-up Fantasy [Revised Version] [Completed] cover
Hotbreaker's Series 7: Sanity and Sin cover
MY LOVE FROM THE CENTURY [Zoldic Legacy Book 2] cover

Segunda

28 parts Complete

De Avila Series #2 Si Maria Segunda De Avila ay masasabing anghel ng kaniyang mga magulang dahil siya'y likas na masunurin, magalang, tahimik, at malapit sa Diyos. Ang mga katangiang ito marahil ang naglagay sa kaniya sa katayuang hindi napapansin ng karamihan. Siya'y hindi nagtataglay ng pambihirang kagandahan, talentong maipagmamalaki, at talinong kayang makipagsabayan sa karamihan tulad ng kaniyang mga kapatid. Pinili niya ang buhay na tahimik sa kabila ng panghuhusga ng lipunan sa mga babaeng tulad niya na maaaring tumandang dalaga. Subalit, ang inaakalang niyang tahimik na buhay ay nagkaroon ng hangganan nang bumalik ang lalaking ilang taon niyang hinintay at ang pagdating ng isang pilyong binata na kakambal ang kaguluhan. Paano haharapin ni Segunda ang dalawang kapalarang naghihintay sa kaniya? Pabalik sa pangakong naudlot ng nakaraan? O patungo sa hinaharap na puno ng pakikipagsapalaran? Book Cover by Bb. Mariya Date Started: September 21, 2024 Date Completed: March 23, 2025