Maskarang mapagkubli, maskarang nakaka-inis. Ngunit di mapaliwanag na pakiramdam Ang iginagawad sa akin.
Sa kabila ng kakisigan nyang dala, ay may maskarang pilit tinatakpan Ang kanyang mukha.
Gusto nang tanggalin upang mahanap ka sa aking paggising, ngunit huli na Ang lahat, natapos na Ang aking pananaginip.
Ngunit ipinapangako ko sa iyo na hahanapin Kita hanggang sa aking makakaya.
Pagibig na naudlot sa mundo ng mg panaginip, ay muling bubuhayin sa mundong ipinangako mo sa akin.
Sabi nila masarap daw magmahal, pero naisip ni Zernia na hindi sa lahat ng pagkakataon ay puro saya. May mga bagay tayong hindi natin inaasahan, may mga desisyon tayong magagawa na hindi natin napag-iisipan.
Mahal ni Zernia ang kanyang asawa, ngunit may pangyayari na hindi niya inaasahan na naging dahilan upang iwan niya ito.
Pagkalipas ng anim na taon ay bumalik siya.
Ngunit ibang-iba na ang asawa.
________________________