Halina't pumasok sa gubat at magliwaliw, kalimutan ang oras at direksyon. Kung ikaw ay maligaw ay huwag mangamba. Magpariwala. Walang mas hihigit pa sa katinuan ang alisin ang mga kadenang gumapos sa mga isip natin at pilit tayong maging malaya. Kaso ang lahat ng ito ay mayroong kapalit. Sa oras na lumabas ka ng gubat, hindi na babalik sa dati ang pag-iisip mo kailanman.