Naranasan mo na bang magmahal? Siyempre OO agad ang sagot diyan! Pero sa tingin mo mahal ka rin ba ng taong mahal mo? Yun lang!
Paano kapag ung taong mahal mo ay nakatali na sa puso ng iba? Patuloy ka bang aasa kahit masasaktan ka o magpapalit ka na lang ng bago mong mamahalin kahit alam mo sa sarili mo na siya at siya pa rin ang laman ng isip at puso mo mula pagkagising hanggang pagtulog?
Paano kapag nagkamali ang tinatamaan ng pana ni Kupido? Yung tipong buong akala mo ay nahanap mo na yung true love mo pero yun pala bigla na lang tumibok ang puso mo sa ibang tao, sa kapwa-kasarian mo pa?
Paano kapag napadpad ka sa isang lugar na hindi naman pamilyar sayo, sa lugar na ibang-ibang sa kinagisnan mong mundo at sa isang lugar na walang kang ibang kasama kundi ang
.
.
Labing-isang naggagwapuhan, makikisig, at matitipunong BACHELORS!
Magkakaroon ka kaya ng kakampi sa loob ng bahay o lahat sila ay iyong makakabangga?
Paano naman kapag lately ginawa kang katulong nila at hindi ka naman makatanggi dahil sa wala kang ibang magawa? Tatagal ka kaya sa ganoong klaseng lugar?
Paano kapag accidentally nainlove ka sa isa sa kanila? Oh My Gulay!
Ito ang istoryang kokompleto sa lahat ng genre ng story na hanap mo, ROMANCE na tunay namang mangingisay ka sa kilig, TEEN at FAN FICTION na siguradong makakarelate ka sa mga nangyayari sa buhay mo, HUMOR at COMEDY na mapapahawak ka sa tiyan mo dahil sa kakatawa, hindi rin mawawala ang ADVENTURE sa paghahanap ng true love, ang GHOST or HORROR na imbis matakot ka ay mapapahalakhak ka. Hindi mo na kailangan pang magsearch kay Google para malaman ang latest news and trends, dahil dagdagan pa natin ito ng SCIENCE o DISCOVERY, SPIRITUAL ba ang hanap mo, magdasal tayo bago magbasa. Hahaha.