Marami na tayong nababasa na mga istorya na sobrang nagpakilig sa atin. Mga iba't ibang kwento tungkol sa mga hindi maipaliwanag na bagay na nagdala sa atin sa iba't ibang lugar na hindi naman natin inaakalang mararating natin. Mga kwento na nagbigay ngiti at halakhak sa atin. Minsan naisip ko rin kung ano pa kaya ang kayang ilahad na mga kwento ng isang saksi? May mga konsepto na bago at lumang kwento ngunit kapag ito ay hindi nailalahad mananatili itong isang lihim. Ang bawat saksi ay may kwento na gustong ilahad ngunit minsa'y napapangunahan ng takot. Siya mismo ang nakarinig, nakakita, nakaramdam at nakaranas. Handa ka ba na makita, marinig at maranasan ang kwento nila?
8 parts