Meet Jennie Chie, isa siyang dalaga na nasanay ng mag-aral sa isang pribadong paaralan. Buong buhay niya ay hindi pa niya naranasan ang makatikim ng kahirapan at mag-aral sa pampublikong paaralan. Mabait, masipag, maalalahanin, maganda, mapagmahal, loka-loka, at kung ano-ano pa. Hindi lamang siyang isang simpleng babae. Bagay pa din sa kanya ang mapunta sa simpleng buhay. Isang araw, kinailangan niyang magtungo sa Cavite upang mag-aral sa isang pampublikong paaralan dahil na din sa biglaang kakulangan ng pera ng kanyang mga magulang. Biglaan ang pagbagsak ng kanilang negosyo na bumuhay sa kanila ng marangya sa ilang mahabang taon. Sa pag-aaral sa isang pampublikong paaralan. Inakala niyang mas lalong tatahimik ang buhay niya dahil nakalayo na siya sa mga nakasama niya sa dating pribadong paaralan kung saan wala siyang naging kaibigan kundi ang sarili. Akala niya magiging isang simpleng estudyante siya kung saan, puro pag-aaral lang ang kanyang matutunghayan. Ngunit sa paglipas ng araw, naranasan niya din ang saya sa piling ng kanyang mga naging kaibigan, guro, nakasama, kaklase, at iba pa sa mga oras na iyun. Sa huling sandali masasabi niya na sa sarili na 'HIGH SCHOOL LIFE IS THE BEST!' -- Araw ng pagsulat: February 24, 2020 Araw ng pagtapos sa sulat: -- Insinulat ni @MissNannah