"Pipigilan ko ang kaligayahan ninyo." Isang katagang madalas marinig sa mga kontrabida, ngunit sa mga salitang 'yan ay may nakatagong masaklap na damdamin. S'ya si Heneral Eduardo Salvacion na umibig sa unang tingin. Kasabay ng pagtugis n'ya sa pumatay sa kanyang magulang ay iibig s'ya sa isang babae na maglalapit sa kanya sa kanyang hinahanap na pumatay. Sa gitna ng digmaan, makakayanan pa kaya nila pagsabayin ang laban to sa puso at laban para sa bayan. Sa pagsugod ng mga Hapon sa Pilipinas, mas lalong nahirapan ang puso. Dalawang laban at dalawang kalaban. Ngunit 'di n'ya alam na marami s'yang makakabangga. Ang pag-ibig na minsan pinagtagpo ay biglang naging mali sa buhay ng bawat isa. Dapat bang ipaglaban ang pag-ibig na kailanman ay hindi magiging tama? At kailanman ay hindi pinagtagpo ang mga puso ng tadhana? Pero sa likod ng mapaglarong mundo, paano kung ang pag-ibig mo ay ang hihila sa'yo sa kamatayan? Mananatili ka pa bang iibig kahit buhay mo na ang nakataya?