Nagmula sa taong 2270, bumalik si Romi, isang advanced human cyborg, sa taon kung saan unang nag-umpisa ang pagbuo ng mga cyborg. Dala ang galit, lumabas sya mula sa isang portal na nagko-konekta sa future at present para hanapin ang tao na nagpasimuno ng hindi katanggap-tanggap na eksperimento na iyon sa mga tao. Pero sa pagdating nya sa present time ay nakilala nya si Jewon, isang sikat na artista na sa panahon na yon ay inuulan ng iba't-ibang issue sa buhay. Dating scandals, plastic surgery issues at assassination. Dahil sa hindi inaasahang pagkikita ay mapipilitan ang dalawa na pakisamahan ang isa't-isa hanggang sa hindi nila namamalayan na natatali sa pala sila sa tadhana ng bawat isa.
16 parts