Sa 'yong mga mata,
Ako'y laging nadadala
Sa 'yong mga ngiti
Kalungkuta'y napapawi.
Ang iyong mga yakap,
Aking hinahanap hanap
Ikaw aking pinapangarap,
Mulo noon hanggang sa hinaharap.
Ang iyong mga kamay,
Nais ko sanang hawakan
Upang sayo'y iparamdam
Na hindi ka kaiwan-iwan.
Gusto kitang makasama,
Mula gabi hanggang mag umaga
Mukha mo unang makikita
Sa pagdilat ng mga mata.
Gustong gusto kita.
Mga katagangang para sayo,
Para sa isang taong malabo,
Pero sinisigaw ng aking puso.
Hindi ko alam kung kelan nagsimula,
O maihihinto ko pa ba,
Pero sana intindihin mo, sinta.
Na ikaw lang at wala nang iba.
Quote ko para sa istoryang ito:
Dapat nating pahalagahan kung anong merong tayo ngayon kasi hindi lahat nagistay hanggang huli.
Hindi natin alam kung aalis ba sila o hindi na, kung magistay ba sila o iiwan ka, hindi natin alam kung panandalian lang ba sila o hanggang dulo na.