Isang nakakaawang kwento para kay Monica Villareal. Isang babae na walang ibang tinuring na pamilya kundi ang mga tauhan ng hospital. Isang babae na buong buhay ay nakikipaglaban sa sakit. Para sakanya... Ang buhay ng tao ay parang swerte. Minsan papalarin ka pero minsan mamalasin ka. Buong akala niya ay wala nang dahilan pa para tumagal siya sa mundo. Ngunit nagbago ang lahat ng magtagpo ang landas nila ng crush niya. Ang taong matagal na niyang gusto. Ano kaya ang gagawin ni monica kapag nalaman niya na ang crush niya ay nagustuhan siya?Lalaban pa ba siya para tumagal ang buhay o titigil na siya? Anong landas kaya ang pipiliin niya? Ang sumaya o magpahinga? Note: This novel is complete and unedited. Date Written: February 27, 2020 Date Finished: July 23, 2020