MY FATTY OILY LOVE Nang una kitang makita, Hindi kita gusto! Wala sayo ang hinahanap kong katangian isang maganda, matalino, at higit sa lahat sexy na babae sa lahat ng katangian na nabanggit ko kabaliktaran mo yun. Masyado ka ding buglar at hindi ka mahinhin na babae lagi kang nag papatawa kaya naman gustong gusto ka ng mga kaibigan mo. Habang ako, Isa akong mayaman, gwapo at matalino na nilalang dito sa mundo, Ayoko sa tao pero ang kulit kulit mo. Isa kang sakit ng ulo sa buhay ko! Sa dami nang nakakagusto sa akin. Ikaw pa ang mapapansin ko. Pinahanga mo pala ako sa personality mo kaya yung mga sinabi ko sa taas hindi pala importante yon ng papasukin mo ko sa buhay mo. Isa ka pa lang matapang at masipag na babae. Gusto mo ko? Pero ikaw di kita gusto? Hindi nga ba? Kasi hindi kana nawala sa isip ko. Nakakamiss din pala ang pangungulit mo. Ang totoo nakakamiss ka din pala Sia.