Para kay Ashren Rameigh Domingez ay wala na siyang mahihiling pa sa buhay. Kayamanan, katalinuhan, kasikatan,maunawaing kasintahan, tapat na kaibigan at mapagmahal na mga magulang. Lahat ay nasa kanya na. Ginagalang din siya nang mga tao sa paligid niya dahil sa pagiging matulungin niya sa kapwa. Handa siyang tumulong sa kapwa kapag ito'y nangangailangan. Itinuturing siyang kaibigan ng mga tao sa village nila. Araw-araw ay makikita siyang nakangiti at hindi nalilimutang bumati sa mga taong makakasalubong siya. Ngunit isang araw ay naganap ang pangyayaring tuluyang bumago sa kanya. Namatay ang girlfriend niya sa car accident na iyon. Dahil sa naganap ay unti-unti siyang nag-iba. Ang dating mahilig makisalamuha sa kapwa ay naging mapag-isa. Ang dating palangiti ay laging tulala. Mula ng maganap ang aksidente ay nagtago na siya sa likod ng malamig niyang katauhan. Kasabay ng pagdilim ng kanyang paningin ay ang pagdilim din ng kanyang katauhan. Ngunit sa hindi niya inaasahang pagkakataon ay makikilala niya ang taong muling magbibigay liwanag sa kanyang buhay. Ang taong magbibigay muli ng pag-asa sa kanya. Ang taong muling bubuhay sa matagal ng patay na puso niya. Ngunit handa kaya siyang buksan ang puso niya para dito? Handa kaya siyang sumubok na lumabas sa kadilimang matagal ng bumalot sa kanya? At kung magmahal siyang muli, magiging maayos kaya ang kahihinatnan nito? Ano kaya ang magiging reaksyon niya kung malaman niya ang katauhan sa likod ng kaniyang bagong pag-asa?