Isang gabi iyon na nakilala ni Marcopolo ang isang magandang babae na depress, umiiyak, naglalasing, at nag wawala. At siya ang nagsilbing knight in shining armour nito para protektahan sa mga lalaking animo mga buwitreng naghihintay na sumalakay sa bagong biktima. Binantayan niya ang babae ng malasing, sinigurong walang makakalapit dito at makakagawa ng masama. Nang muli niyang makita ang babae, parang ibang tao ang kanyang kaharap. She's tough, walang bakas ng kahinaan sa character nito, katunayan, palagi silang nagdidiskusyon, at hindi ito papatalo.
At gusto sana niyang muling makita ang babaeng minsan ay sumandal sa kanyang dibdib, nanghingi ng lakas, ng proteksiyon, dahil iyon ang babaeng kanyang minahal....