Sa loob ng isandaang taon, matapos mawala ang labin-tatlong batong nagbibigay balanse sa kalikasan ay umusbong ang giyera at pagkasira ng daigdig. Sa isang mundo kung saan hindi na umiiral ang kapayapaan ay mabubuo ang isang misyon. Sa utos ni Sthenios , hari ng mga diyos, ay mag uumpisa ang paglalakbay upang hanapin ang iba pang bato na siyang magbabalik sa kapayapaan ng daigdig.
Si Jerabella, isang magiting na mandirigmang nagtataglay ng ika-labing-apat na bato na sumisimbolo sa Pag-ibig ay bababa mula sa Realm of Gods at susubukang hanapin sa daigdig ang pares ng kaniyang heart stone (Pusong bato😂😂), maging ng iba pang elemento, bago pa ito makuha ni Voxana, ang hari este reyna ng kasamaan.
Pag-ibig, karunungan, liwanag, kadiliman, katubigan, kalupaan, at ang kapangyarihan ng buwan. Pitong elementong hawak ng pitong pares ng demigods.
Paano nga ba matatagpuan ang mga mahiwagang batong nakatago sa mundo ng mga mortal?
Mababago pa kaya ang mundo sa pamamagitan ng pag-ibig? Sa paraan na pilit nitong kinasusuklaman?
Samahan si Jerabella sa kaniyang paglalakbay sa makulit na mundo ng mga mortal upang makamit ang isang kahilingan, sa Lucky 14.
Realms of God mundo na high technology halos lahat ng bagay meron dun. Sa mundong walang basura, sariwa ang hangin, maganda ang liwanag ng araw pati na rin ang pa sikat ng buwan at mga tao dun ay maganda ang pangangatawan halos perfect sila kung sa normal lang na tao. Ang isang planeta naman kabaliktaran ng mundo ng Realms Of God kasi yung utak ng mga tao dun ay puro training para sa digmaan sa bawat isa. Walang love dun sa mundo na yun gusto lang nila palagi ng didigmaan. Halos yung hangin dun parang pinaghalo dugo at amoy ng ilog. Madaming dugo ang nasa paligid, madaming rin basura sa paligid at halos hindi mo ma intindihan ang mga tao sa sobrang nilang galit sa isa't isa.